Paano Nga Ba Maglinis ng Puting Sapatos
Mga bagay na iyong kakailanganin para sa pag proproseso ng pagpapaputi ng iyong sapatos na makikita sa iyong kusina at banyo. Ito ay baking soda, puting toothpaste, toothbrush at tisyu.
Ngayon, ang unang gagawin mo ay ihalo ang baking soda at puting toothpaste sa isang maliit na lalagyan. 1/4 baking soda at isang sachet ng puting toothpaste. Haluin hanggang sa bumula ito. Ang pangalawa naman ay banlawan ng tubig ang iyong sapatos bago ito linisan upang kahit papano'y makukuha ang mga alikabok nito. Pangatlong gagawin mo ay, kunin mo ang isang toothbrush at similan ang pag babrush nito kung saan makikita ang mga "dirty stains" o mga maruruming mantsa. Linisan ito gamit ang napaghalong baking soda at puting toothpaste. Ipagpautloy ito hanggang sa pumuti ang bawat sulok ng iyong sapatos. Ika- apat na iyong gagawin ay, banlawan mo ito ng maligamgam na tubig, banlawan ng mabuti ng saganon ay walang matirang toothpaste o baking soda sa iyong sapatos. Ngayon naman ay dumako na tayo sa ika limang hakbang, kumuha ng sapat na tisyu para maibalot ito sa iyong sapatos.
Ang tisyu ang sumusipsip ng mga natirang dumi sa iyong sapatos. Idikit o ibalot ito sa buong katawan ng iyong sapatos. Patuyuin ito gamit ang tisyu ng mahigit isa hanggang dalawang araw. Ika-anim o ang panghuling hakbang, matapos mo itong mapatuyo. Ibilad ito sa araw, dahil ang araw ay may natural na nakapagpapaputi ng ating mga puting damit o sapatos. At yun ang anim na hakbang sa pagpapaputi ng iyong sapatos. Hindi mo na kailangan pang gumastos ng mahal upang mapaputi lamang ito dahil ito'y makikita lamang sa iyong kusina at banyo. Ang proseso ring ito'y pwede mong gamitin sa inyong mapuputing damit. Kagaya na lamang ng mga puting uniporme. At tuwalya o maaring bedsheet.
Babala: Wag po gumamit ng zonrox. Ito'y nakakasira sa tela ng ating mga sapatos. At ito'y nakakapag pa nipis ng tela. At kunting kaalaman ang baking soda ay pwede ring gamitin sa mga light colors na mga damit.
Babala: Wag po gumamit ng zonrox. Ito'y nakakasira sa tela ng ating mga sapatos. At ito'y nakakapag pa nipis ng tela. At kunting kaalaman ang baking soda ay pwede ring gamitin sa mga light colors na mga damit.

Comments
Post a Comment